Your Cart

Sa Butas 2011 UNCUT ( Gay Erotika Drama)

On Sale
PHP143.99
PHP143.99
Added to cart

PREVIEW ❤

Chapter 1: Denied Manuscript


“Babangon ako. Gigising ako. At ngayong gising na nga
ako, ano ito? Sino ito?!”
“ Waaaaaaaaaaaaa!”
Gulat. Syempre, ano pa bang dapat na maging reaksyon ko?
Tipong gigising ka sa isang umagang may kung sino kang katabi
sa kama na boxer shorts lang ang suot.
At pagkatapos ng WAAAAAA!!!! Tikom na ang bibig ko.
‘Yung mata kong singkit, lumaki ata sa pagkagulat. At daig ko
na ata ang maysakit na vitiligo sa pagkaputla ko nang makakita
ako ng isang...
“ Kung sino ka man, kung sino ka nga?Ano ba? Ba’t di mo
ko ininform?!”
Bumangon ako’t lumayo sa kama, sa kanya. Pero ‘yung mata
ko, titig na titig lang lalo sa katawan niyang pwede ng ibilad sa
mga billboard sa Edsa. Ang yummy!
Pero teka. Mukhang sa reaksyon niya’y ‘di ata ako naiintindihan ng lalaking itong mukhang di purong pinoy sa
kanyang kulay bughaw na mata. In fairness, pang-international
na pala ang karisma ko. Medyo kalawangin ang buhok, at iba
ang pagkaputi ng matipuno niyang katawan. Gayunpaman,
may pinoy looks siya sa marami niyang anggulo. Ano ito, halfbreed? Kalahating tao, kalahating anghel. Ang gwapo lang kasi.
Parang cover magazine lang sya.
“ I don’t know you. You know me? But if you know me,
why I don’t know you?” hindi tuloy ako makapag-ingles ng
tama.
You will get the following files:
  • MOBI (1MB)
  • PDF (904KB)
  • EPUB (363KB)