Caught
Ano ‘yon, tatanggapin na lang natin na ginawa kang dead tilapia ni Jason Machete? `Asan ang hustisya no’n? Hindi puwede `yan! Sasagipin natin ang puri mo!”
Feeling ni Orange Abocado, gold ang puri niya. Para kasing gustong mag-amok ni Cado, ang kapatid niyang bading. Ang crush kasi niyang si Jason Estam, ni-reject siya dahil ‘she kissed like a dead tilapia’ raw. Ang solusyong naisip ni Cado na pagsagip ng puri—Sex 101—si Henry Cavin ang sex guru, ang independent film actor na tenant sa iniwang condo ng kapatid. Tuturuan daw siya nito na maging sex goddess. Wala siyang problema sa magiging lessons nila dahil tagong pink sirena daw si Henry.
Pero nang ilatag niya ang offer sa actor, may counter-offer ito na nagpanganga kay Orang.
“Naka-blindfold ka.”
Mas humaba ang segundong nakanganga siya. Hindi kaya may masamang balak ito sa gold niyang puri? Iba kung makatitig, nagkaka-goosebumps siya!
“At magiging role player ka ng one month.”
“Role player? A-Ano’ng role ko?”
“Asawa ko.”
Hindi pa man na-process ng utak niya ang mga narinig, biglang may grab-and-kiss scene na sila!
At natagpuan ni Orang ang sariling hindi patay pero marupok. Ang masaklap, hindi rin pala kilala ng kapatid niya ang totoong pagkatao ng actor. Hayun siya, nalulubog sa sitwasyon—at sa mga lihim ni Henry.
Paano pa siya aahon?