Loved
Sa pagpayag ni Orang sa kasunduang inilatag ni Henry Cavin, unti-unti siyang nakapasok sa mundo nitong lihim sa lahat. Akala niya, magiging madali ang pagkilala niya sa actor—hindi pala. Sa bawat araw kasi na magkasama sila, mas dumami lang ang mga tanong. Mas dumami lang ang mga hindi niya maintindihang kilos at ginagawa ni Henry. Kung mayroon mang naging malinaw kay Orang, ang emosyon niyang ayaw paawat.
Ang emosyon niyang lumalim nang lumalim habang patuloy siyang nalulubog sa sitwasyon. At nang sa wakas ay naging malakas na ang loob ni Orang na mag-confess ng feelings, saka naman siya binitiwan ni Henry at itinulak sa lalaking rason kung bakit sila nagkakilala—ang machong playboy next door. Ang mas masaklap, nang magharap ang sex guru at ang machong playboy, na-feel ni Orang na parang ang dalawa pa ang magkaka-happy ending at siya ay uuwing luhaan?
Bigla siyang nag-shift ng plano, nag-offer ng bagong deal kay Henry—ang maging ama ito ng future baby nila ni Cado. Madali na lang sana lahat kung agad pumayag ang actor pero hindi. Naglatag uli ito ng kondisyong kapalit ng offer, kasabay ang paglantad din ng mga lihim.
Hanggang saan kakayanin ni Orang ang rebelasyon? At hanggang saan kakayanin ng puso at katawan niya ang “totoong” Henry?