Your Cart
Loading

JLPT Self-Study Guide Bundle: N5 + N4 + N3

Mag-aral ng Japanese nang mag-isa, may malinaw na plano: 48 linggo mula zero hanggang JLPT N3. Paliwanag sa Tagalog.

₱299 lang para sa 3 guide (₱447 kung isa-isa)

Ano ang laman ng bundle?

3 PDF guide (A4) na magsasabi sa iyo kung ano ang aaralin bawat linggo, mula unang hiragana hanggang JLPT N3.

  • N5 Self-Study Guide (12 linggo): hiragana at katakana, 25 grammar pattern, 99 kanji at 655 salita
  • N4 Self-Study Guide (16 linggo): 28 grammar pattern, 211 kanji at 498 salita
  • N3 Self-Study Guide (20 linggo): 28 grammar pattern, 365 kanji at 778 salita

Kasama sa bawat guide:

  • Week-by-week roadmap na may grammar, kanji at vocab theme bawat linggo
  • 60-minutong routine araw-araw at plano bawat linggo
  • 5 paraan ng pag-aaral: spaced repetition, active recall, shadowing, sentence mining, output
  • Gabay sa vocab, kanji, grammar, reading at listening
  • Can-Do Checklist at karaniwang mali ng mga Pilipino
  • Mock Exam Plan, Mock Tracker, huling 4 na linggo at Exam Day Checklist
  • Printable Study Log

₱447 kung bibilhin nang isa-isa. Sa bundle, ₱299 lang. Gumagana sa phone, tablet at PC, at puwedeng i-print.

Orihinal na gawa ng JandR (Rodolfo S. Mercado Jr.). Hindi kaugnay ng Japan Foundation o JEES.

Para kanino ito?

Para sa mga Pilipinong nag-aaral ng Japanese nang mag-isa at gustong malaman kung ano ang susunod na aaralin bawat linggo.

  • Nagsisimula pa lang (kahit hindi pa marunong ng hiragana)
  • Naghahanda sa JLPT tuwing Hulyo at Disyembre
  • May trabaho o pamilya, kaya 60 minuto lang bawat araw
  • Gustong umakyat mula N5 papuntang N4 at N3

Tip: gamitin kasabay ng JandR Mock Exam app, Review E-book at Vocabulary Master Pack para sa practice.

Choose a pricing plan

All 3 Self-Study Guides (N5 + N4 + N3)

₱299