The Gift (A Fedeo Christmas)
Red and black hearts have hidden stories.
Ang presence ng mga Fedeo sa Red Paradise, kahulugan ng pagpili ng kapayapaan at sandaling pagtakas sa totoong mundo.
Ang pagbabalik ng mga mortal sa itinuturing nilang tagong paraiso, kahulugan ng pagpili sa pag-ibig nang higit sa panganib.
Ang sinadyang pagpunta ni Viah Vierre sa lugar na simbolo ng balanse sa pagitan ng Fedeo at mortal, dala niya ang mga pula at itim na puso—na kakabit ang mga tagong kuwento.
Ang may hawak ng mga pulang puso: Mina at Doc El, Camille at Ace, Jean at Pierce, Crissa at Zefro.
Sa Eskinita Trese—ang tagong mukha ng Villaggio Oriente—na ayon kay Mina, eskinita of broken dreams, aahon ang mga kuwento ng pag-asa at pag-ibig; kuwento ng pagtanggap at pagpapatawad; kuwento ng pagbagsak at pagbangon; kuwento ng pagpili at pagpaparaya.
Kaninong kuwento kaya ang kikinang?