
FOLLY IN LOVE
NEW PDF VERSION OF FOLLY IN LOVE
ABOUT THE BOOK
Matagal nang lihim na may gusto si Toni kay Trey. Pero sa simula pa lang ay hate na siya ng binata. Magpapatalo ba siya? Siyempre, hindi! Sinusungitan siya nito? Susungitan rin niya ito.
Pero deep inside, naghihintay lang siya na ngitian nito at buong puso niyang iaalay sa lalaki ang buong puso niya! Eh ano kung tuwing nakikita niya ito ay nadidisgrasya niya ito dahil lagi siyang nadi-distract ng kakisigan nito? Eh ano kung naiirita ito sa tuwing tinutukso sila sa isa't isa ng mga kabanda nito? They say there is a fine line between love and hate, hindi ba? Kailan kaya tatawirin ni Trey ang famous line na iyon?
“I thought I was happy. Hindi ko inakala na may kulang pa pala sa buhay ko. Hanggang sa bumalik ka. Doon ko nalaman na may mas isasaya pa pala ang buhay ko.”
---Trey
“I never got over you, Trey. I thought I did but I was just lying to myself. Self-preservation siguro para hindi ako patuloy na magmukmok sa isang tabi sa kaiisip sa iyo.”
---Toni