Your Cart

Lovers Duo Bundle (Caught and Loved)

On Sale
$5.99
$5.99
Added to cart

Book 1: CAUGHT


"Ano ‘yon, tatanggapin na lang natin na ginawa kang dead tilapia ni Jason Machete? `Asan ang hustisya no’n? Hindi puwede `yan! Sasagipin natin ang puri mo!”


Feeling ni Orange Abocado, gold ang puri niya. Para kasing gustong mag-amok ni Cado, ang kapatid niyang bading. Ang crush kasi niyang si Jason Estam, ni-reject siya dahil ‘she kissed like a dead tilapia’ raw. Ang solusyong naisip ni Cado na pagsagip ng puri—S*x 101—si Henry Cavin ang s*x guru, ang independent film actor na tenant sa iniwang condo ng kapatid. Tuturuan daw siya nito na maging s*x goddess. Wala siyang problema sa magiging lessons nila dahil tagong pink sirena daw si Henry.

Pero nang ilatag niya ang offer sa actor, may counter-offer ito na nagpanganga kay Orang.


“Naka-blindfold ka.”

Mas humaba ang segundong nakanganga siya. Hindi kaya may masamang balak ito sa gold niyang puri? Iba kung makatitig, nagkaka-goosebumps siya!


“At magiging role player ka ng one month.”

“Role player? A-Ano’ng role ko?”

“Asawa ko.”


Hindi pa man na-process ng utak niya ang mga narinig, biglang may grab-and-kiss scene na sila!

At natagpuan ni Orang ang sariling hindi patay pero marupok. Ang masaklap, hindi rin pala kilala ng kapatid niya ang totoong pagkatao ng actor. Hayun siya, nalulubog sa sitwasyon—at sa mga lihim ni Henry.


Paano pa siya aahon?



Book 2: LOVED


Sa pagpayag ni Orang sa kasunduang inilatag ni Henry Cavin, unti-unti siyang nakapasok sa mundo nitong lihim sa lahat. Akala niya, magiging madali ang pagkilala niya sa actor—hindi pala. Sa bawat araw kasi na magkasama sila, mas dumami lang ang mga tanong. Mas dumami lang ang mga hindi niya maintindihang kilos at ginagawa ni Henry. Kung mayroon mang naging malinaw kay Orang, ang emosyon niyang ayaw paawat.

Ang emosyon niyang lumalim nang lumalim habang patuloy siyang nalulubog sa sitwasyon. At nang sa wakas ay naging malakas na ang loob ni Orang na mag-confess ng feelings, saka naman siya binitiwan ni Henry at itinulak sa lalaking rason kung bakit sila nagkakilala—ang machong playboy next door. Ang mas masaklap, nang magharap ang sex guru at ang machong playboy, na-feel ni Orang na parang ang dalawa pa ang magkaka-happy ending at siya ay uuwing luhaan?

Bigla siyang nag-shift ng plano, nag-offer ng bagong deal kay Henry—ang maging ama ito ng future baby nila ni Cado. Madali na lang sana lahat kung agad pumayag ang actor pero hindi. Naglatag uli ito ng kondisyong kapalit ng offer, kasabay ang paglantad din ng mga lihim.

Hanggang saan kakayanin ni Orang ang rebelasyon? At hanggang saan kakayanin ng puso at katawan niya ang “totoong” Henry? 




You will get the following files:
  • EPUB (232KB)
  • PDF (623KB)
  • EPUB (208KB)
  • PDF (614KB)