And Babae sa Gitnang Apartment
ANG BABAE SA GITNANG APARTMENT
Ni Kenji
Mura ang upa. Ngunit may dahilan kung bakit walang nagtatagal sa gitnang apartment.
Nang lumipat ang pamilya Flores sa isang paupahan sa Cavite, nagsimulang makarinig si Quennie ng mga katok at tinig na gumagaya sa kaniyang boses. Pagkatapos, nakita niya ang isang putol na daliring may suot na singsing.
Sa likod ng mga pagpaparamdam ay si Mary Jane—isang babaeng iniwan, namatay, at nagbalik upang maghiganti.
May isang taong gusto niyang singilin. Ngunit nadadamay ang lahat ng nakatira sa apartment.
Isang Tagalog horror ebook tungkol sa pagtataksil, mga lihim, at paghihiganting ayaw matapos.