Your Cart

Father Raze (The Cursed Healer Revisited)

On Sale
$4.99
$4.99
Added to cart

Bago namatay ang lola ni Crystal, iniwan nito sa kanya ang isang prediksiyon na dapat daw niyang tandaan.

Darating ang isang araw na mauulit ang kasaysayan sa Maglinao. Sa paglabas ng tanda, magkikita ang ‘pinili’ at ang kanyang ‘tagapangalaga’ at iyon ang magiging simula ng kaguluhan.

Pagkatapos ng sunud-sunod na panaginip, nakita ni Crystal ang tanda sa tapat ng kanyang puso, patunay ng koneksiyon niya sa mga nilalang sa dilim.

At sa ikalabing-walong taong kaarawan niya, dumating sa kanilang baryo ang bagong pari na si Father Raze. Pakiramdam ni Crystal, may kakaiba rito. Ang lakas ng kutob niyang may lihim ang pari—at may koneksiyon silang hindi niya maipaliwanag.

Sa paghahanap niya ng mga sagot, malalaman ni Crystal ang katotohanang kailangan din pala niyang pagtakpan o sisirain niyon ang itinuturing niyang tahanan.

Sa baryo Maglinao na normal na ang karahasan at patayan, sa simbahan na lang galing ang kinakapitan nilang liwanag. Pero paano kung sa simbahan din manggaling ang isang malaking kasiraan?

Hanggang kailan siya magiging matatag at matapang?


You will get the following files:
  • PDF (1MB)
  • EPUB (402KB)