Your Cart

Laging Ikaw

On Sale
$3.99
$3.99
Added to cart

Mas pinili ni Bienne na hindi umuwi sa probinsiya nila dahil kay Redge De Guia, ang tall, dark and handsome sana pero tahimik at suplado. Sa kung anong dahilan, hate siya nito. Wala siyang happy memories sa farm na kasama ito, hindi gaya ng ideal man niyang pinsan nito na pang-perfect hero.  


Sa biglaang pag-uwi niya, ibang Redge ang nakaharap ni Bienne—mabait, nakangiti at parang may kinang ng saya ang mga matang tumititig sa kanya. Akala niya, changed man na ang bad counterpart ng kanyang ideal man. Iba nga lang ang nalaman niya. Na-reject ito sa gabi ng engagement. Pinagpalit ng fiancée sa kapatid pang rason ng conflict nito sa sariling pamilya. Hula ni Bienne, ang nakita niyang pagbabago, paraan lang ni Redge para pagtakpan ang totoong emosyon.


Biglang nagbago ang plano niya sa pag-stay sa farm. Gusto niyang burahin na ang harang sa pagitan nila ni Redge. Gusto na niyang maging reason para maging okay ito. Para makita niyang maging totoong saya na ang kahulugan ng magagandang ngiti nito. 


Hindi nga lang niya naisip na sa paglapit niya kay Redge, ilalapit din pala niya ang sarili sa panganib. 


Kayanin kaya niyang mag-stay hanggang sa happy ending?

You will get the following files:
  • EPUB (246KB)
  • PDF (751KB)