Your Cart

Sa Butas 2012 ( Tagalog Gay Story)

On Sale
PHP143.99
PHP143.99
Added to cart

Preview

Chapter 1

Buy Now to Read All The Chapters

⭐⭐⭐⭐⭐



June 04, 2012 Monday
––––––––
“ Eh Tito, kailan mo sasabihin kay Miguel na ‘di mo siya tunay na
anak, kailan malalaman nina Ronan at Ronnie na anak mo sila?
Hanggang kailan nila gagamitin ang apelyido ng nanay nila imbes
na ang sa’yo?”
“ Kapag handa na ako,” sagot ng Tiyo Alphonse sa sunod-sunod
kong tanong tungkol sa kinakaharap niyang problema.
“ Kayo po ang bahala.”
Dahil ang sa akin lang nama’y bakit pa kailangang magtago ng
lihim? Bakit ba kung minsan kailangan mong pagtakpan ang isang
pagkakamali para maitama ang sitwasyon? Ang hirap mabuhay sa
sikreto. Madalas hinahanapan ka ng butas at madalas hindi ka na
makalusot sa butas na ikaw mismo ang gumawa. Tulad ni Tiyong
Alphonse at maging ng tulad ko.
“ O siya, mauna na ako. Basta sure buyer ako pakisabi sa Daddy
mo. Ayusin ko lang ang mga papeles.” Si Tiyo Alphonse na
nagpaalam na’t ang tinukoy ng kanyang mga huling nasabi ay ang
pagbebenta ko sa kanya ng lupa’t mga apartment na pamana sa akin
ng Daddy ko.
“ Sige po. Ingat po kayo.”
Monday 7AM
Unang araw ko bilang guro sa St. Jude. Isang taon lang siguro
ako dito dahil wala naman akong balak na magtagal. Kailangan ko
SA BUTAS 2012 5
rin kasing magpunta sa Dubai.
“ Maya ka na tumawag. Late na ako.”
Ibinaba ko na ang tawag.
Nagmamadali na kasi ako sa pagmamaneho ng kotse ko para
makarating sa saktong oras ng klase. At dahil nga sa pagmamadali
ko'y muntik na akong makabangga ng tumatawid na binata.
" Oh shit!" pagkagulat ko sabay baba ng kotse ko't lumapit ako sa
binata para humingi ng dispensa pero sinalubong niya ko ng galit.
“ Tang’ina naman oh! ‘Di kasi kayo nag-iingat.” Pagmumura
niya’t nang gawin niya iyon ay biglang umakyat ang dugo ko sa ulo.
Imbes na mag-alala ako ay nakaramdam ako ng pagka-inis.
Sa kamalas-malasan nga ay mukhang sanggano pa itong muntik
kong nabundol at sana napuruhan ko na lang.
Kung anong amo ng hitsura'y ganun kagaspang ang ugali. Kalbo,
maputi, may kasingkitan ang mga mata, matangos ang ilong,
maganda ang ngipin, matangkad at may ipagmamalaking katawan
ang barumbado.
"Oh! Shit! Dapat naiinis ako ah," sabi ko sa sarili pero imbes na
ganun ay parang mas napansin ko pa ang ilan sa mga katangian
niyang iyon.
“ Tang’ina ka...’wag kang magpapakita ulit sa akin ha. Tabi nga.”
Sabay tulak sa akin at hindi na nga ako nakapalag pa dahil kahit
saan ko naman tignan ako naman talaga ang nagkamali.
Hanggang sa pagbalik ko sa pagmamaneho maging hanggang sa
marating ko na ang faculty ay pumapasok sa isip ko ang aksidente
kanina. O mas saktong sabihing iniisip ko ‘yung barumbadong
teenager. Ngayon lang ako nakaharap ng ganung klaseng tao.
“ You’re 25 years old. Ang bata mong guro and I’m sure marami
ka pang makakasalamuhang mga gaya nun...dito pa..sa skul ng mga
barumbado’t walang modong estudyante. Haha...” kwento sa akin
ng co-teacher ko.
AB Comm. Ethics class. Second Year. 8AM. Ito ang unang klase
ko at imbes na magpaka-close ako sa mga estudyante ay pinili kong
6 TagaImus
mag-mukhang strikto sa kanila. Dahil kung tama nga ang sinabi ng
mga co-teacher ko na ganun nga dito sa St. Jude, kahit sa College
Department pa, ay hindi ko hahayaan mabastos ulit ng ganun.
“ Good morning class. I’m Mr. Lawrence Santillan.” Pakilala ko
sa klase na masungit ang mood. Suot ko pa ang props kong
eyeglasses na wala namang grado para mas lalong striktong tignan.
“ Ang gwapo ni Sir. Kamukha niya si Diether Ocampo.....” dinig
ko ang bulungan at hagikhikan na iyon ng mga estudyante sa Row
4. Gusto ko sanang pagalitan ang mga iyon sa pag-iingay nila pero
mas pumukaw ng atensyon ko ang late na pagdating ng isang
estudyante at nang makita ko nga siya ay nagulat ako dahil siya ulit
ang nakita ko. Ang barumbadong iyon!
Pareho kaming nasurpresa nang magkatama ang mga tingin
namin. Napakaliit ng mundong ito na sa dinami-dami ng mga
taong pwede kong maging estudyante ay siya pa.
Pero imbes na mahiya ay ang kapal pa ng mukha nitong umupo
sa harapan malapit sa kinatatayuan ko’t salbaheng pinaalis sa upuan
ang isang estudyante.
“ Hello class. Gio Altamirano here. B.S Criminology 3rd year
student. Text me girls.” Kumindat pa sa mga malalandi kong
estudyante ng Ab Comm Arts. Kilig na kilig naman ang mga ito.
Tipong mga naglaglagan ang panty sa kanyang maangas na
entrance.
Saglit pa'y ibinaling ang tingin sa akin at tila walang takot na
guro ang kaharap niya. Nakakapikon pero sa isang banda'y nadadala
ko sa amo ng kanyang mukha. Para tuloy sa isip ko'y nagpapanggap
lang siyang sanggano kahit ang totoo'y ganun naman talaga ang
ugali niyang hinayupak siya!
" Hindi ako magpapatalo sa'yo," sabi ko sa sarili.
" Sir, Gio Altamirano. At your service." biro niya pa't tila may
ibig pakahulugan ang nasabi niya. Ganun ba siya kahusay
makaamoy ng mga kagaya ko o ako lang itong paranoid mag-isip.
SA BUTAS 2012 7
Siya nga. Si Gio Altamirano nga na sa kamalas-malasan ay naging
estudyante ko pa. Pero kung inaakala niyang kaya niya akong
pataubin ay nagkakamali siya. Ako ang teacher, ako ang hahawak sa
ulo niya, siya ang tutuntong sa mga numero hindi ako.
“ Mr. Altamirano, no more lates. Sa klase ko bawal ang
nale-late.”
“ Wow naman, eh kung ‘di naman kasi ko muntik masagasaan
ng mga tatanga-tanga sa kalye...hindi naman ako male-late.”
Nang-iinis niyang sagot sa akin.
Tawanan ang klase.
“ Anong nakakatawa? Get 1/4...mag ku-quiz tayo!”
Gulat sila nang marinig nila iyon sa akin. Pero mas nagulat ako
dahil hindi ko naman plano ang magpa-quiz sa unang araw ng klase.
Nadala lang ako ng pagkapikon ko kay Altamirano. Pasalamat pa
nga siyang Ethics ang hina-handle kong subject dahil kahit
papaano’y kailangan ko pa ring maging maingat sa mga aksyon ko.
“ Third time ko na ito sa Ethics, ngayon lang ako nakaranas ng
quiz sa first day. Terible...” mahinang sabi ni Gio.
“ Altamirano get ¼. Kung gusto mong pumasa na sa Ethics.
Good luck.” Pag-aangas ko.
Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkainis at pagkapikon. Sa
wakas, nakabawi rin ako sa kayabangan niya. Hindi ang tulad
niyang teenager ang kayang sumira sa akin. Hindi siya.
Class Dismissed.
Tapos ang klase sa Ethics, balik ako sa faculty at ikinuwento sa
mga co-teacher ko ang una kong karanasan sa mga estudyanteng
tulad ni Gio Altamirano. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Sana
nabundol ko na lang siya, nadala sa hospital pagkatapos ay sa
morgue.
“ Hahaha...grabe ‘wag ka ma-highblood, masanay ka na Mr.
Santillan,” sabi ng co-teacher ko pagkatapos kong magkwento.
Sinabayan niya ng malalakas na tawa at biro para kahit papaano’y
maalis ang inis ko sa unang araw ko sa pagtuturo.
8 TagaImus
“ Hay, maka-pag C.R nga muna ma’am...”
“ Haha, naihi ka na sa inis. O sya, may klase pa ako. Good luck to
your next class.”
Good luck nga sa akin at sana nama’y walang Gio Altamirano o
walang gaya niya ang mayroon sa susunod kong subject.
Breaktime ko muna’t tumungo ako sa C.R para umihi. Pasok
doon, walang tao. Pasok sa cubicle dahil hindi ako sanay na umiihi
sa urinal. Basa ang sahig, panay vandal ang tabing. Madumi at
mapanghi ang inodoro at may lumulutang pang kung ano.
“ Oohh....Ooohhhh...”
Pero imbes na doon sa panghi ng cubicle matuon ang atensyon
ko ay mas nakapukaw sa akin ang mga impit na iyon. Mga paghalina
ng lalakeng tila may ginagawang milagro sa katabing cubicle ko.
“ Ahhhh...”
Tuloy lang ang mga halina pero bahagyang nawala nang
magsimula ng bumuhos sa inodoro ang ihi ko. Siguro’y dahil
naramdaman niyang may iba ng tao sa banyo.
Psshhhhh.....
Tuloy lang ang tunog ng ihi ko’t sa pagsilip ko sa basang sahig ng
banyo’y aninag ko ang kargada ng lalake sa kabila.
“ Oh shit..” mahina kong sabi sa sarili nang makita ko sa basang
sahig na nagma-mariang palad ang lalake.
Pshhhh....
Tuloy lang ang pag-ihi ko’t nang makita ko nga iyon ay
dinedemonyo ako ng isip kong bosohan sa kahit anong paraang
kaya ko ang lalake sa kabilang cubicle. Pero paano, dapat ba?
Karapatan ko bang gawin iyon sa eskwelang dapat ay isa kong
kagalang-galang na guro? Hindi ko malabanan, libog na libog ako sa
nakikita sa sahig.
Nagbabayis ‘yung lalaki! Ang laki laki ng kanya! Ang sarap
tikman. Gusto ko siyang katukin, pasukin at bahala na.
“ Wew.”
SA BUTAS 2012 9
Pero hanggang sa matapos ang pag-ihi ko’y mas pinili ko na lang
magpakatino. Guro ako. Hindi ako dapat na ganito. O kung hindi
ko man kayang tiisin ang libog ko’y hindi ito ang tamang lugar para
magkalat.
Itinaas ko na ang zipper at nagsinturon. Saglit pa’y nilabas ko na
ang cubicle kasabay ng pagbubura sa isip ko sa kung ano man iyong
kahalayang nakita ko. Pero akala ko’y tapos na, ngunit hindi pala
ganun kadali, lalo’t sa paglabas ko’y kasabay kong lumabas din ang
lalakeng nabosohan ko sa cubicle.
“ Sir...” pagkagulat niya kasabay ng pagkagulat ko din o tamang
sabihing pagkamangha kong makita siyang hindi nakasuot ng
kanyang polo at sando. Hubad ang maputing katawan, naninigas
ang mga utong. May kaunting buhok o balahibo sa bandang puson
at nagsisimula nang magkaroon ng masasarap na muscles at abs.
Bakat ang kanya sa pantalon niyang itim. Siya nga, si Gio pala ‘yun!
“ Nasan ang uniporme mo Mr. Altamirano?” ewan ko ba't iyon
ang lumabas sa bibig ko.
“ Sa bag ko sir. Magpapalit ako ng pang-basketball, may laro ho
kami.” Paliwanag niyang hindi nakatingin sa mga mata ko. Siguro’y
nahihiya dahil alam kong alam niya o alam niyang alam ko kung
anong kalokohan ang ginagawa niya sa loob ng cubicle.
“ Ah...sige...” ‘yun na lang ang nasabi ko’t iniiwas ko na ang
pagbababad ng mga mata ko sa masarap niyang katawan.
Humakbang na ako patungo sa pinto ng C.R at sa paghawak ko sa
door knob ay laking pagtataka kong hindi ko mabuksan ang pinto.
“ Bakit sir?”
“ Nakulong tayo sa loob ng C.R.”
Agad ang paglapit ni Gio. At sa paglapit niya’y amoy ko ang
bango ng kanyang katawan. Bagay na bagay sa kanya ang pabango
niyang lalo lang nagpalibog sa akin. Lalakeng-lalake.
“ Sir ako na,” sabi niya’t umatras ako ng kaunti para
ma-diskartehan niyang buksan ang pinto.
10 TagaImus
“ Aw, naloko na!...tsk... tsk...” si Gio na habang pinipilit buksan
ang pinto at habang nakatalikod sa akin ay nakikita ko ng kaunti
ang puti niyang brief na sumisilip sa kaluwangan ng kanyang
pantalon.
“ Huwag mo nang pilitin, dala ko celfone ko, magte-text na lang
ako sa maintenance department.”
“ Kayong bahala.” Sagot ni Gio at saglit pa’y umatras na sa pinto.
Ipinatong sa kung saan ang backpack niya at segundo pa’y hinubad
ang kanyang pantalon.
Napalunok ako ng laway sa umbok niyang kitang kita ng
dalawang mata ko. Nagkatama ang mga tingin namin pagkatapos.
" Bakit sir?" tanong niyang nakangisi at hindi ko iyon sinagot sa
halip ay umiwas na lang akong tignan siya habang nagbibihis.
Dahil pinakikiramdaman niya ako, alam ko. Mayroon sa isip ko
na para bang ginawa niya iyon para ma-demonyo ako’t pumatol sa
ginagawa niyang panunukso.
“ Basa kasi ‘yung sahig sa cubicle sir. Kaya dito na lang ako
nagpalit.”
“ A. Ganun ba? ” sagot ko habang nakaharap lang siya sa salamin
at hinimas-himas pa ang kanyang umbok at muling ngumiti sa akin.
Napangiti na lang din ako sa hindi ko malamang dahilan.
Napangiti akong ewan ko kung binibigyan ko ba siya ng
kompirmasyong gustong gusto kong nakahubad siya sa harap ko.
“ Ano sir? Ilang oras pa ba tayo dito?” tanong niya na para bang
kahit walang ibig sabihin iyon ay nagkakaroon na ako ng malisya.
Bawat salita niya, bawat galaw niya, kilos niya, ngiti niya ay
nagkakaroon nang ibang kahulugan sa akin kahit parang wala
naman sa kanya iyon.
“ Nag text na sa akin ang maintenance. Parating na.” sagot ko
kay Gio habang siya’y nakapagpalit na ng pambasketbol.
“ Sir, sensya na po kanina.”
“ Wala ‘yun, lahat naman ng lalaki nag-gaganun. Normal lang
‘yun sa atin.”
SA BUTAS 2012 11
“ Ahhh...ano pong ibig ninyong sabihin?” pagtataka niya.
Naloko na, hindi pala tugma ang sagot ko sa bagay na nasabi
niya. Marahil ang tinutukoy niya ay ‘yung nangyari sa amin sa
kalsada at sa loob ng classroom. Marahil ‘yun nga’t hindi iyong
nakita ko siyang nag-aano sa loob ng cubicle kanina.
“ Ah... Ibig kong sabihin normal lang sa tao ang magalit.”
Hindi sumagot si Gio. Makahulugan ang ngiting pinakawalan
niya. Para bang sinasabing, amoy niya na ako. Para bang gusto niya
nang lumapit na ako sa kanya’t pakawalan ko na rin ang kanina
pang kalibugang ramdam ko.
Pero tama bang ganun? Tama bang gawin ko ito sa panahong
alam ko namang dapat ay hindi ako nagkakasala sa taong mahal ko?
Si Derek.
You will get the following files:
  • EPUB (239KB)
  • PDF (1MB)