Your Cart
Loading

SALN Preparation Workbook: Calendar, Net Worth Reconciliation & Form Preview (Excel)

On Sale
$7.00
$7.00
Added to cart

Hindi sapat na punan lang ang SALN form.


Kailangan mong mapatunayan na ang pagtaas ng net worth mo ay kaya ng kita mo — sweldo, negosyo, at iba pang pinagkakakitaan — bawas ang aktwal mong gastos sa buong taon.

Ginawa ko ang workbook na ito para ikaw mismo ang makagawa ng tama, kumpleto at maipaliwanag na SALN — kahit walang magtuturo sa iyo.


📋 Kasama sa workbook:

  • SALN Calendar — lingguhang gawain mula December hanggang April 30. Kusang nag-a-adjust ang mga petsa bawat taon.
  • Real Property, Personal Property at Liabilities — may automatic na patakaran ng CSC: minana o donasyon (₱0 ang acquisition cost), co-owned (share mo lang), foreign currency, ari-arian ng mga anak na wala pang 18, at exclusive property ng spouse.
  • Income & Expenses — buwanang sweldo, mga bawas, kita sa negosyo, iba pang kita, at aktwal na gastos.
  • Net Worth Reconciliation — sinasagot ang tanong na “Kaya ba ng ipon ko ang pagtaas ng net worth ko?”
  • Year-over-Year Warnings — babala kapag pareho ang SALN mo ngayong taon at noong nakaraang taon.
  • Business Interests & Relatives in Government — may kusang lookup ng civil degree, kasama ang bilas, inso at balae.
  • SALN Form Preview — nakaayos ang entries mo ayon sa 2025 SALN Form, kaya ililipat mo na lang.
  • Filing Checklist — lahat ng dapat i-check bago manumpa at mag-file.
  • Step-by-step Instructions — pati kung paano kopyahin ang values papunta sa opisyal na form.


👤 Para kanino: Lahat ng empleyado at opisyal ng gobyerno na nagfa-file ng SALN — teachers, pulis, LGU, national agencies, GOCCs.

📁 Format: Microsoft Excel (.xlsx)


✍️ Gumawa: Erlinda Pantanilla, CPA, MBA. Nagtuturo ng tamang paghahanda ng SALN mula pa noong 2011.


Batay sa CSC Omnibus Rules on the SALN (CSC Resolution No. 2500632, June 25, 2025) at sa 2025 SALN Form. Gabay lamang ito at hindi legal advice. Ang opisyal na form ay i-download sa website ng CSC. Para sa personal na gamit ng bumili lamang; huwag ibenta o ipamigay.

You will get a XLSX (64KB) file