DAPAT MAY PERA! FINANCIAL LESSONS FROM ESAU AND JACOB
Feeling mo bang minsan (or madalas) ay nauubusan ka ng pera?
'Yung kayod ka nang kayod sa trabaho pero parang wala ka namang ipon?
'Yung ipon ka naman nang ipon pero parang hindi nadadagdagan ang pera mo?
In times of uncertainties, kailangang malalim ang bulsa natin financially dahil sa mga emergency and recurring expenses na nararanasan natin.
Buwan-buwan, nagbabayad tayo ng bills sa kuryente, tubig, internet, atbp.
Minsan, nagbabayad pa tayo ng renta.
Hindi rin naman natin naiiwasan ang pagkakasakit.
At ang mga ito ay nangangailangan ng pera.
Para maiwasan natin ang pangamba at ang kawalan ng pera, may malaking aral tayong matututunan sa kwento ng magkapatid sa Old Testament ng Bible.
Sina Esau and Jacob.
Siguro nagtatanong kayo:
"Paanong nagkaroon ng money-related lessons mula sa kwento nina Esau and Jacob?"
"May pera na ba nung panahon nila?"
"Parang ang layo naman ng kwento nila sa kaperahan?"
'Yan ang pagtutuunan natin ng pansin sa librong ito: DAPAT MAY PERA! Financial Lessons from Esau and Jacob.
Ano ba ang nangyari kina Esau and Jacob na may impact sa kabuhayan natin ngayon.
Alamin ang relasyon ng buhay ng magkapatid na ito sa buhay natin ngayon sa e-book na "DAPAT MAY PERA! Financial Lessons from Esau and Jacob."
