Refer a friend and get % off! They'll get % off too.

Mga Kwento ni Lolo

Pagbabalik tanaw po ito sa dekada 60 sa munting bayan ng Ibaan kung saan lumaki ang may-akda. Kung kayo po ay nabuhuhay na noong panahon na iyon ay pwede po ninyong maalaala ang mga kwento na nakapaloob sa aklat na ito. At kung kayo naman po ay bagong sibol na taga-Ibaan, ito po ay sulyap sa buhay ng inyong mga magulang o lolo at lola noong sila ay kasing edad ninyo ngayon.

Kung kayo po ay tubong Batangas ay madali na po kayong makaka relate sa mga istorya na ikinikwento ng may-akda. Nariyan po ang ating tuklong na sa tuwing gabi ay nagtitipon-tipon tayo para magdasal at mag-alay ng bulaklak sa Birheng Maria. Diyan po sa amin sa Ibaan ay may napaka gandang tradisyon tuwing Easter Sunday, ito po ang sayaw ng pagbati na tunay na nakaka aliw kung panonoorin. Ang ina at kapatid na babae po ng may-akda ay nagsayaw ng pagbati noong kanilang kabataan.

Noon pong kabataan ng may-akda ay napaka simple lamang ang pamumuhay, wala pa pong Internet at ang telebisyon po ay black and white pa at napaka labo kung panoorin. Bihira lang po ay may refrigerator at para ka makapagpalamig ay bibili ka ng yelo at ihahalo mo sa tubig na iyong iinumin. Uso pa po noon ang pomada at ang mga matatanda ay gumagamit ng sombrero. Sa munisipyo lang po may telepono at ang means of communication ay iyong tinatawag na telegrama.

Anyway, ang approach po ng pagsasalasay na ginamit sa aklat na ito ay ang pagtuturo ng isang lolo sa mga bata. Kasama na rin po sa pagkukuwento ng mga pangyayari na naganap sa Ibaan noong panahon ng dekada 60. Ito po ay bago pa nagdeklara ng martial law si dating Pangulong Ferdinand Marcos. Matutunghayan po sa loob ng aklat ang mga katawagang taal sa Ibaan kasama ang mga awiting bayan at iba pang walang kawenta-kwentang paksa gaya ng kung paano gumawa ng tirador.

Ito po ay isang ebook, hindi po ito physical na aklat. May dalawang versions po ang ebook depende kung ano ang ebook reader sa computer or smartphone ninyo. Ang isa po ay epub format at ang isa naman ay mobi format. Huwag na po kayong magatubili at bilhin na ang aklat. Magandang addition po ito sa inyong ebook collection. Sige po.

You will get the following files:

  • EPUB (265KB)
  • MOBI (347KB)

$ 5.00

$ 5.00

Buy Now

Discount has been applied.

Added to cart
or
Add to Cart
Adding ...