Strange Love, Enchanting Feeling
by H.J. Salvador
Napadpad si Angel de Guzman sa Enchanted River sa Surigao del Sur para magbakasyon at para na rin makalimot sa kaniyang boyfriend na sumira sa puso niya matapos ma-in love at magpakasal sa kaniyang best friend.
Hindi niya inaasahang isang driver ng motor ang makulit na nagpapansin at nanligaw sa kaniya. At niyabangan pa siyang ito raw ang mag-ari ng ilang malalaking negosyo sa Mindanao. Mai-in love na sana siya rito kaso ay nalaman niya ang masamang balak nito—na kidnap-in siya.
Ang takot niyang mahalin ito ay napalitan ng kilig nang mapahiya siya sa kaniyang maling akala. May ipinakita itong kerubin na bumago sa pagtingin niya rito; naging viral pa siya sa internet bilang si “Ms. Kidnap Girl”.
www.GodisLovePublishing.asia